Point of view - Emma Addison - Pikit ang mata habang lumuluha ang mga ito. Hindi ko na alam kung ilang butil na ang aking nailuha at hindi ko alam kung paano pa ako muling babangon sa isang masamang panaginip. Matagal ko nang ninanais na muling mahagkan ang nag-iisa kong anak. Ang nag-iisang dahilan kung bakit ako nagpursigi sa buhay. Ang dahilan ng pagiging Lady Em ko. Ngunit ngayon ang nag-iisang dahilan na iyon ay tila lumayo sa akin. Akala ko ay magiging maayos na ang lahat, ngayong nagka-ayos na kami ni Joseph, ang aking anak naman ang malayo sa akin. Naramdaman ko ang mainit na palad ni Joseph na ngayon ay nakahawak sa aking mga kamay. Nakaluhod siya sa aking harapan habang ako ay nakaupo sa gilid ng aming kama rito sa isang condo sa London. "Sabihin mo, Joseph. Bakit gano'n si