Nauna kaming lumabas ni Kokoy sa simbahan matapos ang wedding pictorial. Ang bongga talaga dahil lahat sila ay sinabuyan kami ng mga flower petals at sabay-sabay na nag-congratulate sa aming kasal. Inikot ko ang aking paningin at hinanap ang aking anak. Napangiti ako nang makita ko itong nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. "Kobie, halika sumama ka sa amin ng Papa mo." Tawag ko sa aking anak ngunit tumanggi ito dahil gusto niyang sumabay sa kaniyang mga kaibigan. "Hayaan mo na, anak," si Mommy naman ang nagsalita. Ngayon pa lang ay alam ko ng magiging spoiled ang anak ko sa kaniya. Wala na akong nagawa dahil alam kong matatagalan lang kami ni Kokoy kung kokontra pa ako. Nang magpaalam na kami ni Kokoy para mauna nang magtungo sa hotel ay nagulat ako sa aking nakita. Isang kalabaw