"Sobrang saya natin, Koy. Nakakatuwa at sana ay ganito na lang tayo palagi. Walang problema at laging masaya." Tumango siya. “Magiging masaya tayo, Teria.” Napangiti ako sa sinabi niya dahil kahit ano naman ang sabihin niya sa akin ay masaya na ako. Kahit naman hindi siya magsalita ay masaya pa rin ako at kontento. Ang importante lang naman sa akin ay makasama ko lang siya at maramdaman ang pagmamahal niya. Tahimik kong tinintingnan ang bawat nadadaanan namin pauwi. Gusto pa sana naming magtagal at magsaya ni Kokoy pero may mga trabaho pa kami na dapat naming gawin. “Papasok ka ba mamaya sa trabaho mo pagdating natin sa Maynila?” nag-aalala kong tanong sa kaniya dahil mukhang pagod na pagod na siya. Binigyan niya ako nang tangong sagot kaya sumimangot ako. “Ano’ng mukha ‘yan?”