May lakad kami ngayon ng mga kaibigan ko. Ilang beses na nila akong kinontak dahil dapat ay nandoon na ako. Pero nagbago ang oras namin dahil mahihirapan akong iwan si Kobie lalo pa at nangako ako sa kaniya na makakasama niya ang Papa niya ngayon. "Koy, kanina pa kita hinihintay? Bakit hindi ka pa umuuwi?" nag-aalala kong tanong sa kaniya. Nagpasya na akong tawagan siya dahil isang oras ko na siyang hinihintay pero hindi pa rin siya nakarating sa bahay. "Yom, pasensiya ka na!" madamdamin niyang sagot at narinig kong may iba siyang kasama ngayon. "Sino naman 'yang mga kasama mo?" tanong ko sa kaniya ulit. May hinala na ako kung sino ang mga ito pero gusto ko pa ring makasigurado. Maingay na musika ang naririnig ko sa kabilang linya at mukhang lasing na ang mga kasama niya. "S