"Wow, ang ganda na ng LiquiDoze Bar, Ma'am Teria. Ang laki-laki na ng buong lugar at mas lumawak pa ang parking area ngayon kaysa noon," manghang sabi ni Daday at para bang nakakita ito ng palasyo sa harap niya. Tumango ako at nilibot ang tingin sa buong lugar matapos kong patayin ang makina ng kotse. "Yeah, I agree!" Hindi pa man kami nakakababa ng kotse ni Daday ay nahulaan ko na kung gaano karami ang tao sa loob. "Ma'am Teria, baba na po tayo!" nasasabik niyang aya sa akin ng mapansin niyang hindi pa ako kumikilos. "Crowded sa loob," tanging nasabi ko ngunit hindi ko alam kung narinig ba ako ni Daday. Wala rin naman akong choice dahil napagpasyahan na ng lahat na rito na lang. Kahit na crowded ang bar ay huli na rin para sa amin na umatras at maghanap ng ibang mapupuntahan. H