Nagmamadaling kong tinapos ang aking mga gawain sa opisina dahil excited na rin akong makauwi sa bahay. Alam kong may lakad ang aking asawa pero nangako ako na ako ang magbabantay sa anak namin. Ilang saglit na lang sana ay palabas na ako ng opisina para umuwi na. Nang biglang nag-ingayan sa labas ng aking opisina. Bago pa man ako nakatayo sa swivel chair ko ay bumukas na kaagad ang pinto at niluwa ang mga kaibigan ko. Nagtataka ko silang tiningnan isa-isa dahil wala akong ideya kung bakit sila ngayon nandito lahat? Sinugod lang nila ako ng wala man lang pasabi at wala akong kaalam-alam na papasyalan pala nila ako ngayon. "Surprise!" masayang bati ni Baste sa akin habang nakabukas ang mga bisig. Napangiti na lamang ako dahil wala talaga akong ideya kung ano ang ibig niyang sabi