Sumakit nang husto ang ulo ko dahil ilang gabi na akong hindi makatulog nang maayos. Hindi mawala sa isipan ko si Teria at namimis ko na siya ng sobra. Buong gabi ko itong pinag-isipan at hindi ko na mahihintay pang tawagan ni Baste. Magdadalawang linggo na pero wala pa rin akong balita sa kaniya. Kaya masyado mang padalos-dalos ang pasya ko ngayon ay paninindigan ko ito. Hindi na ko makapaghihintay pa ng ilang araw ulit para tawagan ako ni Baste. Masyado niya yatang na-enjoy ang buhay niya kasama si Cassy dahil kahit text ay wala man lang akong natanggap kahit isa. Hindi na ako makapag-isip ng tama sa opisina kaya binigyan ako ng break ni Daddy. Pabor iyon sa akin para tuloy-tuloy ang paghahanap ko kau Teria. Ngayon ay para akong wala sa sariling nagmaneho patungo sa bahay