Habang papauwi na ako sa bahay ay walang tigil ang pagtunog ng aking cellphone. Nang tingnan ko ang screen ay walang iba kundi ang hired investigator ko. Tinanggal ko na ito kanina ngunit sadyang napakulit. Binalewala ko lang ang tawag nito hanggang sa nakauwi ako sa bahay. Tuloy-tuloy ang lakad ko papasok ng bahay habang bagsak ang magkabilang balikat. Araw-araw na lang ganito dahil kahit na humihinga ako ay wala na ang dahilan kung bakit tumitibok ang puso ko. "Anak, saan ka galing?" nag-aalalang tanong sa aking ina. "Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ba ako narinig?" patuloy nitong tanong sa akin kaya humingi ako ng paumanhin. "Sorry, Nay," nahihiya kong sagot. "May balita ka na ba sa kaniya?" Umiling ako. "Wala pa, Nay. Sige na Nay magpapahinga lang ako muna sa kwarto