Dalawang taon nang nakalipas pero wala pa rin akong makuhang balita sa magulang ni Teria. Ilang beses na akong nagpabalik-balik sa bahay nila pero wala pa rin akong makuhang sagot mula umpisa. Alam ko kung gaano nila kamahal si Teria, kaya imposibleng hindi nila ito ipinahanap. Hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin ang kotse na ginamit ni Teria nang umalis siya sa amin. Tiyak kung may ideya na sila mula sa umpisa kung saan nagtungo ang anak dahil nag-text daw ito sa driver kung saan kukunin ang kotse. "Koy, hayaan mo na lang muna si Teria. Magpapakita rin 'yon kapag handa na siyang harapin ka," mahinahong sabi ni Tito sa akin. Umiling ako at hindi ko pwedeng hayaan lang kung kailan ito magpapakita sa akin. Hindi ko pwedeng balewalain ang kagustuhan kong makita ko siya. "Tit