Napakaganda ng araw ko ngayon at kahit na wala pa kaming pahinga ni Kokoy galing sa bar ay parang nawala na lang bigla ang lahat ng pagod namin. I really feel so nervous but I am excited too. Isipin ko pa lang na maglalakad ako sa aisle ng simbahan habang hinihintay ni Kokoy ay kinikilig na ako. Religious ceremony ang napili namin ni Kokoy dahil both side ng family namin ay iyon ang gusto. Hindi naman kami kumontra dahil alam namin na para sa amin ang gusto nila. Alam naman namin ni Kokoy na kahit saan kami ikasal na dalawa ay wala kaming magiging kontra. Ginagawa lang ng mga magulang namin kung ano ang magpapasaya at mapa-ayos ang kasal namin. Nasa isang sikat na hotel kami ngayon ni Kokoy at ang iba pa dahil dito namin napili ang magiging reception pagkatapos ng kasal. Magkahi