Nakitaan ko ng gulat ang dalawa pero mas gusto ko ang nakitang gulat sa reaksyon ni Kokoy. Wala ng intro-intro pa dahil doon din naman ang punta. Single pa si Kokoy at sinabi niyang ako lang ang mahal niya. My gosh kinilig ang mani ko! “Siya po ba iyong sinabi mong mahal na mahal mo, Miss Teria?” mangha niyang tanong at para akong nabilaukan kahit na wala naman akong kinakain. “Ikinagagalak ko po kayong makilala, Sir. Kaya naman pala gwapo ang anak ninyong si Kobie dahil maganda ang nanay at gwapo ang tatay,” pabebe nitong wika. “Kokoy pero pwede mo akong tawaging Kuya,” pakilala ni Kokoy sa kaniyang sarili sabay lahad ng kaniyang kanang kamay. Inabot ni Marie ang kamay ni Kokoy habang nakangiti at tinutukso ako gamit ang nakakaloko niyang titig. “Marie, po Kuya,” pormal nitong