Wala akong nakuhang reklamo mula kay Kokoy at nakahinga ako ng maluwang ng hindi siya nagpumilit. Paglingon ko sa gilid ko ay nagulantang ako ng makita ko si Marie. Nakapamewang ito na para bang nagbabantay at nakokonsimisyon sa akin. Alam ko kasi na botong-boto siya kay Conan. “Miss Teria, ano pong ulam natin ngayon? Magluluto ako,” bulabog ni Marie sa nakakabinging katahimikan namin ni Kokoy. “Kahit ano na lang, Marie ikaw na ang bahala,” tugon ko rito pero hindi pa rin ito umalis matapos makuha ang sagot ko. “Miss Teria, sino po siya? Ayos lang ba na iwan kita kahit wala kang kasama?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya at binulongan ito. “Oo naman, Marie mamaya ko na siya ipapakilala sa iyo at sa tingin mo ba ay mapapahamak ako sa gwapong la