"Teria, nakatulog na si Kobie. Napagod sa kakalaro.” Putol ni Conan sa usapan namin ni Kokoy. "Salamat, Conan. Siya nga pala si Kokoy kaibigan ko," pakilala ko rito at tumango lang ito sa binata. Ni hindi niya nagawang kamayan pa si Kokoy. Kahit naman hindi niya sabihin sa akin. Alam ko na mabigat ang loob niya sa lalaki dahil alam ko ang iniisip niya. Hinawakan ako ni Conan sa magkabilaan kong balikat at pinaharap sa kaniya. Matalas ang pakiramdam niya at alam nitong hindi lang basta kaibigan ko lang si Kokoy. Pero hindi naman lingid sa kaalaman niya ang totoo kong nararamdaman para sa kaniya. Hinahayaan ko lang siyang maging malambing sa akin ngayon dahil gusto kong isipin ni Kokoy na may relasyon kami ni Conan. Gusto kong iparamdam sa kaniya na kaya kong magpatuloy sa buhay