Matapos naming magsalo-salong lahat sa hapunan ay dumiretso na kami ni Kokoy sa aking kwarto. Namiss ko ang room ko at para pa ring walang pinagbago. Kung paano ko ito iniwanan noon ay ganoon pa rin ang porma ng mga gamit ngayon. At ang tanging napalitan lang ay ang mga kurtina at ang kulay ng buong pader na halatang bagong pinintorahan. Pagod na ang katawan ko dahil sa byahe at gusto ko munang magpahinga saglit. Magkatabi kami ngayong matutulog ni Kokoy at ewan ko ba kay Kokoy kung bakit kanina ay kailangan niya pang lumayo sa akin kung kakausapin niya ang Nanay niya. Nakakasama ng loob dahil parang may tinatago siya sa akin. Kaya wala akong magawa kundi ang hintayin si Kokoy na matapos sa pakikipag-usap kay Nanay. Mabuti na lang at pumayag ang anak naming si Kobie na tumabi s