"Marie, Aling Siony, Mang Oca, salamat po sa lahat ng tulong ninyo sa akin," naiiyak kong wika at nagiging emosyonal na dahil sa laki ng naitulong nila sa buhay ko. "Salamat din po sa pagtanggap niyo sa amin ng anak ko... sa buhay niyo. Hinding-hindi ko po makakalimutan ang pagturing niyo po sa akin na parang totoong pamilya at habang buhay ko po iyong tatanawin na utang na loob," mahaba kong pahayag at niyakap sila isa-isa. Tuluyan na ngang nahulog ang mga luha ko ng mapansin kong umiiyak na rin sj Aling Siony. Gusto ko sanang pigilan ang sariling umiyak pero nadala na ako sa nararamdaman ko. At ngayon na ang araw na maagpapaalam na kami sa kanila at ngayon na ang araw na aalis na kami ni Kobie para sumama kay Kokoy pauwi. "Miss Teria, mamimiss ko po kayo ni Baby Kobie," nalulungkot n