Chapter 97

1508 Words

Madaling araw pa lang ay nagising na ako dahil kay Kokoy. Pagod man ang katawan pero wala akong magawa kundi gumising ng maaga. Dahil ngayon ang araw na aalis na kami ni Kokoy sa Isla Dahu. Uuwi na kami mamaya sa Manila at tinawagan na rin ni Kokoy ang mga magulang ko kagabi. Kaya pati ako ay sobrang sabik nang makita sila at mayakap nag mahigpit. Handa na rin ang mga gamit namin dahil hinanda ko na ito kagabi. Mga importante lang ang pinili kong dalhin dahil balak ko talagang iwanan at ibigay ang lahat ng mga gamit ko kay Marie. Marami naman akong mga gamit roon sa bahay at hindi naman ako lumaki kaya alam ko na magkakasya pa iyon sa akin. "Good morning," malambing na bati sa akin ni Kokoy. Dinala ko ang hintuturo kong daliri sa tapat ng aking bibig upang hinaan ni Kokoy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD