Matapos naming kumain ay niyaya ni Marie ang anak kong si Kobie na maligo sa tabi ng dagat. "Marie, malikot na iyang si Kobie. Pakibantayan na lang ng maigi," nag-aalalang bilin ko sa dalaga dahil natatakot akong malingat siya. Kahit naman malapit lang kami nakatira sa dagat ay hindi ko pinapaligo ang anak ng walang matandang kasama. Naiinggit man ito sa iba dahil maraming nakakaligo na kasing edad lang niya pero mas mabuti na iyong makasigurado ako sa kaligtasan nila. Natatakot kasi ako dahil minsan ay malakas ang alon. "Maliligo ka?" tanong sa akin ni Kokoy na mukhang kontra sa kalooban niya. Hindi ko alam kung bakit tinatanong niya pa ako. Gayong halata namang hindi niya gusto. "Pwede naman pero magbibihis na muna ako sa taas. Kukunin ko lang iyong bigay sa akin ni Cassy na t