ONE MONTH LATER Wilma "Are you okay?" Napahinto akong bigla sa pagduduwal sa lababo nang bigla na lamang pumasok dito sa loob ng kusina si Devin. Kaagad siyang lumapit sa akin at hinagod ang likod ko. "Y-Yeah. I'm okay, baby." I immediately gargled water and washed my face. "Have you visited your doctor again?" "Huh?" Napalingon akong bigla sa kanya. Nagulat ako sa tanong niya. "Yeah, to your doctor." "Ahm--" "What's happening?" Sabay naman kaming napalingon kay Derrek na pumasok na rin dito sa kusina. Bihis na bihis na rin siya katulad nitong kambal niya. Ngayon kasi ay nakatakda na kaming magtungo sa Delavega Grand Hotel para sa kasayahang gaganapin ngayong araw na ito hanggang gabi bago ang kasal nilang dalawa bukas ng umaga. Oo, sabay silang ikakasal sa mga kanya-kanya n