Wilma "Oh, my God! Ang gaganda naman ng mga manugang ko!" napabulalas ako nang matunghayan ko na sa mga kanya-kanya nilang gown sila Beauty at Mhaan. "Damn, you're like queens!" "Kayo po ang reyna namin, mommy," Mhaan answered me with a smile. "And we are your princesses," sagot naman ni Beauty. "Aw, touch naman ako masyado sa inyo." Napasapo ako sa dibdib ko. "Napakaganda niyo rin po sa gown niyo, mom," saad muli naman ni Mhaan. "Simple but stunning," dagdag naman ni Beauty. "Oh, come on, mga mahal ko. My heart is melting right now with your compliments. Hindi ko nga alam kung bakit pinalitan ng mga anak ko ang gown ko. Masyado itong bongga kumpara sa napili ko." "Siyempre, sabay-sabay po tayong magtutungo sa altar. Kayo po ang maghahatid sa amin at sa gitna kayo pupuwesto," sago