Beauty Kaagad na naming isinilid sa mga kanya-kanya naming bag ang aming mga armas. Nagsiksik na rin ako nito sa iba't ibang parte ng katawan ko. "Here. I will now give you permission to hold this one." Iniabot ko kay Devin ang isang 45 caliber. He stared at it. "Siguro naman marunong ka nang humawak niyan." "I once tried a firing range when I was still in college." "Oh?" I was surprised to know that. "Just invited by a friend." "I see." Tinanggap na rin niya ito at ininspeksiyon ang laman ng magazine. Halata naman sa kanya na marunong nga siyang humawak niyon. May pag-iingat din sa bawat galaw niya. "Baks, are you ready?" Bigla namang pumasok sa pinto si Izza at si kuya Emil na gravedigger. "Handa na ang bangkang sasakyan natin. Mas makabubuti kung sa dagat kayo dadaan at papa