Beauty "Doc, how's our dad?" "Tell us he's safe. Please, tell us!" Hindi magkamayaw sa pagtatanong ang kambal sa harapan ng doctor matapos nitong lumabas mula sa emergency room. Naliligo pa rin ng dugo ang kanilang mga katawan. We are currently here at the hospital. We immediately rushed Mister David Delavega and Derrek here. Kaagad din namang nagamot ng mga doctor at nurse si Derrek dahil mababaw lang ang tinamo nitong sugat sa balikat niya at dumaplis din doon ang bala. Tumayo na rin ako at lumapit na rin sa kanila. Naririto rin si Izza at Sean. Si Liam naman ang siyang nag-aasikaso sa mga kapulisan nang tungkol sa grupo ni Trinidad na ngayo'y bangkay na ang karamihan sa kanila. Dalawang tauhan lang nila ang natirang buhay sa kanila at siyang magagamit namin upang isiwalat ang tun