Mahigpit ang yakap ko kay Alessandria nang mahiga na kami sa aming kama. Mabilis siyang nakatulog at humihilik na nga sa tabi ko. Ako, gising pa rin ako dahil hanggang ngayon ay may hang over pa rin ako sa aking mga narinig na rebelasyon sa kanila ni Daddy. Hindi ako bumalik sa trabaho nang makarating kami ng mansion pagkatapos ng kanyang check up. I was there all the time and heard what she told my father. My father talked to me yesterday. He asked for permission for him to talk to Alessandria. At iyon nga ay gusto niyang i-clear ang kanyang sarili sa ginawa niyang pagmamanipula sa relasyon naming dalawa. Curious din ako na marinig ang sasabihin niya kay Daddy kaya naman nanatili ako at nagkubli malapit sa kanilang kinaroroonan. At syempre gusto ko rin marinig sa labi mismo ni Daddy an

