"She is fine, hindi naman napaano ang mga anak ninyo, hijo. But she just needs to rest and eat healthy foods," anang OB ni Alessandria habang nagsusulat sa kanyang notebook. Nakikinig lang naman ako habang hawak ang kamay ni Alessandria na wala pa ring malay. Kasalanan ko nga yata kung bakit siya na-stress. Tapos wala pa siyang gana sa pagkain dahil nga may hidwaan kami. Ako kasi itong selos ang pinapairal dahil iniisip ko na wala siyang gana kapag ako ang kaharap niya dahil mas magana siyang kumain kapag kaharap ang kababata niya. Masyado akong kinain ng insecurities at jealousy kaya si Alessandria at ang mga bata tuloy ang nag-su-suffer ng galit ko. Siya kasi, alam niyang mainit ang ulo ko sa kababata siya dahil sa nangyari sa Davao, parang mas ginatungan pa niya ang inis ko. Hindi man