Malungkot akong nagda-drive patungo sa hacienda nina Devin. Birthday niya ngayon at imbitado kaming lahat na magkakaibigan para samahan siyang magselebra ng kanyang kaarawan. Doon na lang siya nagselebra sa kanilang hacienda dahil bukod sa kaming magbabarkada lang ang bisita, wala na siyang inaasahan na iba pang bisita dahil hindi naman siya nag-imbita. Tsaka sa inuman lang din ang bagsak ng selebrasyon mamaya kaya mas maigi ng kami-kami na lang ang magkaharap. Gusto ko man isama si Alessandria sa lakad ko para makilala naman siya ng mga kaibigan ko, naunahan naman ako ng inis nang makita ko siya na hindi masyadong ginalaw ang mga pagkain na ipinahain ko kanina kay Manang. Kumain naman siya ngunit hindi masyadong magana katulad noong kasama niya ang bwisit niyang kababata. Naisip ko tulo