Kabanata 81: Mahirap lumimot (Blue)

2034 Words

Isinilid ko sa aking bulsa ang cellphone ko pagkatapos kong ipadala kay Sky ang larawan ng bagong location na pagtatayuan ng branch ng clothing business namin dito sa Luna. Hindi pa kasi niya ito nakikita dahil walang siyang time para bisitahin ito. Nasa Paris pa kasi sila ni Jasmine at atat na siyang makita kung ano ang itsura ng lugar na napili namin. Pagbalik niya ay saka kami magkakaroon ng meeting para umpisahan na ang pagpapatayo ng building. Ako na ang pumunta rito para kumuha ng larawan dahil ang iba pa naming kasosyo rito na sina Erwin at Devin ay abala sa kanilang trabaho. Ako pa na sobrang busy sa amin ang siyang inutusan ng dalawa para bisitahin ang lugar at kumuha ng larawan. Nakita na rin nila ang lugar na 'to ngunit hindi naman sila nakakuha ng larawan kaya wala akong choic

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD