Nagpasya kami ni Devin na lumabas muna at kumain kasama ang mga asawa namin. Bonding na rin ulit dahil siguradong matagal na naman bago kami magkasama ng ganito. Hindi ko talaga alam na kaagad siyang uuwi pagkatapos na masabi ng mga tauhan niya ang nangyari sa kanyang asawa sa hacienda. Sabagay, ikaw ba naman saktan ang mahal mo ay mapapawi ka talaga ng 'di oras. Mabuti na lang at ang private plane ni Erwin ang gamit niya kaya hindi na siya na-delay sa flight para makauwi agad sa kanyang asawa. Galit na galit ang reaksyon ni Devin habang nagkukwento si Farrah sa kanya ng mga tunay na nangyari sa kanya sa mansion. Pahapyaw lang yata ang nakwento ng tauhan niya kanina kaya pinapaliwanag niya kay Devin ang lahat. "Alam mo, pare, mas maigi ng umalis na muna kayo ni Farrah sa hacienda. Mai-st

