"f**k! Out of coverage area pa rin!" Binalibag ko ang cellphone ko sa carpeted na sahig dahil sa matinding inis. Ilang beses ko ng tinatawagan si Alessandria ngunit out of coverage area pa rin ang cellphone niya hanggang ngayon. Balak ko siyang sundan sa kanila dahil sabi ng mayordoma ay roon daw siya pupunta. Pero hindi ko naman magawang iwan si Daddy lalo na at mahinang-mahina pa siya. Susundan ko sana siya noong isang araw pa na umalis siya, pinigilan lang ako ni Manang dahil sabi niya kailangan muna ni Alessandria na umalis para hindi ito masyadong mag-alala at mag-isip sa kalagayan ni Daddy. Pero ang totoo talaga, ako ang dahilan kung bakit siya umalis. Naiintindihan ko naman siya, alam ko nasaktan ko siya sa desisyon ko. Hindi ko rin naman iyon ginusto, konting oras lang naman hini