Hindi umuwi si Blue rito sa mansion, pati kahit man lang kumustahin man lang sana ako sa cellphone ay hindi niya magawa. May kinuha siyang dalawang tagapagbantay na nurse roon sa ospital pero nanatili pa rin siya sa ospital para bantayan ang kanyang ama. Nakaka-disappoint oo, pero ano ang magagawa ko kung talagang nag-uumpisa na siyang dumistansya sa akin. Naiintindihan ko siya, ama niya 'yon, dapat bantayan niya talaga. Dapat naroon lang siya sa tabi ni Azrael para makita ang lagay nito. Dapat ako nga talaga ang naroon dahil ako ang asawa ni Azrael, ngunit dahil sa buntis ako sinabi ni Blue na mas mabuti sa akin ang magpahinga at huwag dapat ma-stress sa mga nangyayari sa amin. Kahit wala naman ako roon, stress pa rin ako rito sa bahay dahil hindi man lang siya nag-abala na kumustahin ak