Hinihingal na bumagsak ako sa tabi ni Alessandria. Pagkatapos ng naging argumento namin kanina ay sa kama umabot ang lahat. Naging malamig na ang ulo niya dahil nadala ko na siya sa langit. Tamang-tama na ito ang naisip kong remedyo para makalimutan niya ang tungkol kay Nerissa. "I love you, babe," I whispered to her ear. "I love you too, Blue," sagot naman niya habang nakapikit. "Good night, antok na ako." Napailing na lang ako sa sinabi niya. Hindi man lang niya nagawang maghugas dahil sa pagod at antok. Halos isang oras kasi kaming nagtalik at nauunawaan ko kung makatulog siya agad. Ayos na makita siyang payapa na natutulog kaysa susungitan na naman niya ako kapag naalala na naman niya ang dahilan kung bakit mainit ang kanyang ulo. I decided to stand up and clean my mess. Dinampot