Maaga kaming tumungo ni Alessandria sa ospital para dalawin si Daddy ngayong araw. Sabi ni Justin, pwede na raw dalawin si Daddy dahil maayos na ang pakiramdam nito. Isa pa, sulitin na raw namin ang pagdalaw araw-araw dahil oras na isagawa ang treatment niya na susubukan sa kanya para mapahaba pa ang buhay niya ng ilang taon. Baka matagalan muli na pwede namin siyang dalawin dahil sa maselan nitong kundisyon. "B-Blue…sigurado ka ba na ayos lang na makita ako ng Daddy mo? Hindi kaya siya magwala at saktan ako?" nag-alala ng tanong ni Alessandria habang on the way na kami patungong ospital. "Ano ba kasing napag-usapan ninyo nang nakaraan at sabi mo alam na niya ang tungkol sa atin?" tanong muli niya na hindi mapakali. Hindi nga rin maliwanag sa akin ang huling pag-uusap namin basta ang ala