"Blue, get a room! Hindi hotel 'tong hospital namin." Isang baritonong boses ang umistorbo sa halik na pinagsasaluhan namin ni Blue. Kaagad ko siyang natulak habang hindi ko alam kung paanong ayos ko sa aking sarili ang aking gagawin dahil sa gulat ko sa biglang pagsulpot ni Dr. Justin. Sinasabi ko na nga ba mahuhuli kami rito. Ito kasing lalaking 'to ang landi! Sabagay, ako ang unang gumawa ng move para mag-init siya ng ganito. Kung hindi ko siya hinawakan sa sensitibong parte ng kanyang katawan ay hindi sana kami napahiya ng ganito. Kaya wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko. "Yoh, pare! Kumusta?" tila balewalang sabi naman ng hunghang habang ako ay pulang-pula na sa hiya. Paano kaya niya nagagawang maging kaswal kahit huling-huli naman na may ginawa kaming kabalbalan. Nakipa