Hinintay namin nina Justin at Alessandria ang paglabas ni Atty. Halog sa loob ng kwarto ng aking ama. Habang naghihintay kami ay hindi ko alam kung ano ang aking iisipin. Ang daming tumatakbong katanungan sa aking isipan ngunit isa man sa mga ito ay hindi ko gustong mangyari. What if nararamdaman na niyang nalalapit na ang kanyang kamatayan? What if nire-ready na niya ang mga iiwan niyang ari-arian sa amin ni Alessandria para wala na siyang isipin kapag oras na niya? Kinilabutan ako sa isiping ito. Huwag naman sana, ilayo niyo naman po Diyos ko ang ama ko sa kapahamakan. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal lalo na at magkakaapo na siya sa akin. Magkakaapo? Fuck! Nakalimutan ko na isa nga pala ito sa isa sa mga prinoproblema ko. Ang alam ni Daddy ay anak niya ang nasa sinapupunan n