Hindi ko nauunawaan ang lahat ng nakikita ko. Lalo na noong buklatin ko ang iba pang laman ng folder na labis na nagpayanig sa utak ko. May cenomar kami ni Alessandria, birth certificate at ang marriage contract na pangalan ko talaga ang nakalagay imbes na pangalan ni Daddy. Is this for real? Ilang beses ko na ba 'tong natanong sa sarili ko habang isa-isa kong tinitingnan ang mga larawan namin ni Alessandria at ilang dokumento na pangalan namin ang nakasulat. I wanted to cry. Cry hard for so much happiness. But I can't do it right now, sobrang naninikip lang ang dibdib ko ngunit hindi naman ako makaiyak. Lord? Nanaginip ba ako o pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko? tanong ko sa aking aking isip. "Kung panaginip lang ito, jusko Lord! Parang awa mo na, huwag mo na akong gisingin! Huwag