Hindi ko masyadong nauunawaan ang pinag-uusapan nina Blue, Azrael, at Dr. Justin. Tanging ang buka ng kanilang bibig at reaksyon ng kanilang mukha ang aking nababasa. Tapos maingay pa ang tunog ng aircon na narito malapit sa kinatatayuan ko kaya hindi ko 'to masyadong nauunawaan. Curious ako sa pinag-uusapan nila lalo na nang makita kong yumakap si Blue sa kanyang ama habang tumatawa na umiiyak. Ano'ng nangyari sa kanya? Nabaliw na ba siya o oh ano? Para akong tanga na nakatingin sa kanila at pilit kong inuunawa kung ano ang ginagawa nilang pag-uusap. Ang alam ko lang nagulat si Blue sa laman ng folder na ibingay sa kanya ni Dr. Justin. Ang medyo narinig ko lang ay nagulat yata si Blue sa laman ng folder at halos umiyak ito na makita pa ang laman nito. Sa huli ko last will and testament