Pero siguro naman mali ako ng iniisip. Hindi naman siguro kami sinisilip ni Azrael sa CCTV camera kapag alam niyang sa mainit na eksena na ang magaganap. Hindi naman siguro niya maaatim na makitang may kababalaghan kaming ginagawa saan man sulok ng mansion niya. Nakahinga ako ng maluwag sa aking naisip ngunit hindi pa rin ako kumbinsido na wala siyang nakita dahil ayon sa kanya recorded ang lahat ng kuha sa CCTV. Pwera na lang kung pinatay niya ang CCTV habang on-going ang love making namin ni Blue. "Nahihiya ka ba sa pinaggagawa mo, son? Alam mo hindi ka dapat mahiya dahil proud ako sa iyo. Congratulations! Nakapasa ka sa mga pagsubok ko, you benefited a lot I know and I know you two will love and take care of each other so much. Hindi ako nagkamali na tama lang ang ginawa ko." Matapa