Todo dasal ang ginagawa ko habang nakaluhod akong mag-isa dito sa loob ng chapel. Ako lang ang pumunta sa ospital para suportahan si Daddy sa treatment at operasyon na isasagawa sa kanya ngayon. Hindi ko na isinama pa si Alessandria dahil ayokong ma-stress lang siya habang naghihintay kami ng resulta ng operasyon at treatment ni Daddy. Hindi ako madasaling tao sa totoo lang. Madalang ko lang itong gawin ngunit never naman akong nakakalimot sa Kanya. Ano man ang gawin ko, saan man ako naroroon, lagi kong sinasapuso na may Diyos na laging nasa itaas at gumagabay sa bawat hakbang at desisyon na ginagawa ko. "Diyos ko, iligtas niyo po si Daddy. Habaan pa po ninyo ang buhay niya dahil gusto ko pa po siyang makasama ng matagal…" bulong ko habang mariin na nakapikit. Ako lang mag-isa rito sa c