Nagpunas ako ng aking luha nang makita kong bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Tumikhim ako at kunwaring busy sa pagtingin sa labas ng bintana. Pinigilan ko na maiyak muli dahil ayaw kong makita ng Tita Marlyn ko na umiiyak na naman ako. Dito ako sa kanila napadpad nang magpasya akong iwan si Blue. Hindi ako tumuloy sa bahay nina Nanay dahil alam kong doon ako hahanapin ni Blue kapag nagkaroon siya ng oras. Ayaw ko muna siyang makita kaya nilihis ko ang direksyon kung nasaan ako. Alam kong ibabalita ng mga bodyguard niya sa kanya kung saan ako nagpunta kaya minabuti kong isipin ng mga bodyguard na sa bahay namin ako nagpunta. Nag-iba ako ng plano nang maisip kong baka ibalik agad ako ni Blue sa mansion oras na malaman niyang umalis ako. Tama nga ako dahil kaagad na itinawag sa akin ni