Kabanata 33: May iba pang importante sa buhay niya? (Blue)

1744 Words

"f**k! Where did she go?" Inis na tinadyakan ko ang gulong ng sasakyan ko nang malaman ko kay Rudy na wala sa bahay ng mga magulang niya si Alessandria. Ito kaagad ang ibinungad niya sa akin pagkalabas ko pa lang ng aking sasakyan. Hindi raw ito tumuloy doon nang araw na ihatid ito ng dalawang bodyguard na inutusan ni Manang. Ayon sa Papa at Mama ni Alessandria na napagtanungan nila, nang araw na 'yon na sinasabi ng mga bodyguard ko na inihatid nila si Alessandria sa bahay nila ay wala naman daw dumating. Silang dalawa lang daw ang nasa bahay at wala naman daw pasabi sa kanila si Alessandria na uuwi. Ang sabi pa ng dalawang matanda, kapag uuwi ang babae ay nagsasabi muna ito dahil sa mga request niyang pagkain na gusto nitong tikman kapag uuwi sa kanila. Kaya naman gulat na gulat daw si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD