Kabanata 34: Papakipot ng konti. (Alessandria)

1654 Words

"Umuwi ka na, Alessandria. Please, don't make it hard for me. Sobrang miss na miss na kita. Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito, sabihin mo naman kung nasaan ka at susunduin kita…" nakikiusap na sabi ni Blue sa akin. Damang-dama ko ang lungkot at sakit sa kanyang boses. Parang gusto kong liparin ang Davao patungong La Union para aluin siya. Subalit hindi ganoon kadaling gawin iyon, gustuhin ko man na bumalik na sa kanya sumisingit naman sa isipan ko ang space na hinihingi niya sa akin. Siya ang may gusto nito at bakit tila ako ang may kasalanan ngayon kung bakit nahihirapan siya? Ito ang gusto niya, binigay ko lang ang space na hinihingi niya. Bakit ngayon pinapauwi na niya ako? Ako nga ang mas nahihirapan sa aming dalawa, ang mga emosyon ko ay mahirap espelingin kaya huwag niyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD