"Sigurado ka ba na hindi magagalit sa iyo ang asawa mo, Alessa?" alanganing tanong sa akin ni Allen sabay sipsip sa straw ng kanyang softdrinks. Nakaupo kami sa isang kainan dito sa loob ng mall at kumakain ng pagkain na gusto kong kainin. Hindi ko kasi maaya si Blue na kumain ng pinaglilihian ko dahil alam kong kailangan siya roon sa ospital. Kung bakit naman kasi timing ang pag-alis niya sa paghahanap ng pagkain ng aking bibig. Sabagay, siya dapat ang higit na nakakaalam ng kalagayan ng kanyang ama. Kahit naman kasi ligtas na ito pansamantala sa kapahamakan, mas maiging malaman ang mga do's and don'ts para sa matanda para mas mapahaba pa ang buhay nito. Hindi pa rin dapat maging kampante si Blue lalo na at nadagdagan lang ang haba ng buhay ng kanyang ama at hindi ibig sabihin na ligtas