Chapter 46 3rd Person's POV; Nakaupo lang si Sibal sa labas ng kwarto. Nanatili itong tahimik duon sa mga lumipas na oras. Nang makalabas si Sebastian sa loob ng kwarto kung saan pinasok ang nailigtas ng binata. Napako ang tingin niya kay Sibal na nakayuko at nakapatong ang dalawang braso sa hita. "May nakita akong lalaki dad. Hindi ko nakita ang mukha niya pero sa hindi ko alam na dahilan nablanko ang utak ko at hindi ako nakagalaw." "Nakita ko din na pinatay niya ang sarili niyang mga tauhan gamit ang mga kamay niya." "Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito dad," ani ni Sibal habang hawak ng mahigpit ang mga kamay. Bumuga ng hangin si Sebastian bago sumandal sa pader na nasa harapan ng binata at nagsindi ng sigarilyo. "Sigurado na isa ang taong iyon sa chess piece," bulong ni