Chapter 45 3rd Person's POV; "Lockett," napatingin ang lalaki sa binatang lumapit sa kanya. May dala itong katana at nakatakip ang kalahati ng mukha. "Nagbaba na ng utos sina King. I-eliminate daw lahat ng sagabal." Naiyukom ng lalaki ang kamao bago nagdidilim ang mukha na tinalikuran ang lalaki. "Lockett kailangan natin ito gawin para kay Zero." "Alam ko Xeres. Hindi mo na kailangan ipaalala, " walang emosyon na sambit ng binata bago kinuha ang rifle at isuot ang puting maskara. Naglakad palabas ng gusali ang dalawang tao at sinundan sila ng napakaraming tauhan. Nang makasakay sila ng motor mabilis iyon pinaharurot ng lalaki. Sinundan sila ng madaming sasakyan patungo sa destinasyon nila. -- Mula sa loob ng resthouse. Napatingin ang mga lalaki na nasa loob matapos makarinig n