Chapter 40 3rd Person's POV "Dad, bakit mo naman biglang tinanong iyan?" "Don't tell me wala kang balak pakasalan si Garan. Lima ang anak niyo," ani ni Sibal. Umiwas ng tingin si Garan at bumitaw sa pagkakahawak kay Percival. "Kailangan pa po siguro namin pag-isipan ang lahat tito. Masyadong madaming nangyari at isa pa mga bata pa din sina Ran," ani ni Garan. "Gusto ko po sana kung sakali na ikasal kami ni Master malaki na iyong lima at ayos na ang lahat." "Ayokong madaliin ang lahat sa amin ni Master." Tiningnan ni Percival si Garan. Bumigat din ang atmosphere kaya nagsalita na si Sebastian. "Mabuti pa maghanda na kayo ng breakfast." Tumayo si Sebastian at naglakad palabas ng pinto. Sumunod na din sina Sibal at sina GN. Naiwan sa loob sina Percival na parehong tahimik. "Ay