Chapter 41 3rd Person's POV "Damputin niyo na ang batang iyan!" sigaw ni Kira habang tinatago sa likod ang hawak na patalim. Agad naman sumunod ang mga tauhan ni Percival pero mabilis na hinablot ni Garan ang leeg ng taong humawak sa batang lalaki na kinasinghap ng lahat ng tao na nandoon. "Layo," malamig na sambit ni Garan. Napaubo ang lalaki matapos ito bitawan ni Garan at nagdidilim ang anyong tiningnan si Kira. "Anong kasalanan ng anak ko para pagtangkaan mo ang buhay ni Ran!" "G-Garan nagkakamali ka. H-Hindi ko—" Hindi nakagalaw si Kira nang sa isang iglap hawak na ni Garan ang kamay niya na hawak ang patalim at nakatutok iyon sa leeg niya. Hindi nag-react si Wise. Napasigaw si Kira matapos mahiwa ang pisngi ni Kira nang patalim. Tinawag ni Kira si Percival ngunit katulad ni