HONEY was busy in front of her laptop when her room door opened. Pumasok si Tyrone at dere-deretso ito sa kama niya saka ito humiga doon. Nilingon ni Honey ang binata. "Anong nangyari sa'yo?" "Can I sleep here?" Nanlaki ang mata ni Honey. "Sleep? Here?" "Yes." Sagot ni Tyrone. Napabuga ng hangin si Honey. "No. Sira ka ba? Bumalik ka na lang sa kwarto mo." "Ayaw ko." Napailing si Honey at hinayaan na lang ang kasintahan. Nahalata niya kasi sa boses nito na parang pagod ito. "Anong ginawa mo at parang pagod na pagod ka?" Tanong ni Honey. She shut down her laptop. Pinaikot niya ang kinauupuang swivel chair paharap sa kama. But she was answered by a light snore. Mahinang natawa si Honey saka tumayo. Inayos niya ang kumot ni Tyrone. Umayos siya ng tayo at naglakad palabas ng kwarto. Na