PAGBABA pa lang ni Honey ng kotse, mabilis siyang bumaba at tumakbo patungo sa entrance ng hospital. Sumunod naman si Tyrone sa kasintahan. Pagdating nila sa receptionist, tinanong ni Honey kung saang room naka-confine si Edzel. Kaagad naman na sinabi ng receptionist ang room ni Edzel. "Hon, easy. Calm down." Sabi ni Tyrone habang sinasabayan si Honey sa mabilis nitong paglalakad. "Edzel had an accident. How can I calm down?" Nag-aalalang sabi ni Honey. Napabuntong-hininga na lang si Tyrone. Hindi na siya nagsalita. Nang makarating sila sa kwarto na kinaroroonan ni Edzel, kumatok muna si Honey bago nito itinulak pabukas ang pinto. Nadatnan nila ang mga magulang niya na nakaupo sa sofa. Napatayo ang mga ito ng makita sila ni Honey. Honey approached his parents first and showed respect b

