MABUTI na lang at nandito si Monica, nalimutan ko tuloy ang nangyari sa amin ni Lorraine kanina. At mabuti na rin at hindi na siya gaanong tahimik, pati tuloy ako ay napangiti at napapa-ingay na rin dahil dito. "A-alam mo, iba ka ngayon... Hindi ka na 'yong tahimik at seryosong babae na nakilala ko. Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ko. "E-eh... Alam mo kasi, tahimik talaga akong babae, pero 'pag kasama ko 'yong tao na dahilan ng pagngiti ko ay siguro, hindi ko dapat palaging isara ang bibig ko at manatiling tahimik na lang," mabilis niyang sagot at tinitigan pa niya ako sa aking mata habang sinasabi iyon. "Gano'n ba?" sagot ko. Hindi ko gaanong naintindihan ang sinabi niya dahil nataranta na ako sa titig niya da akin. Matagal ang naging kwentohan namin na puno ng tawanan at ngiti. Nakap

