"LORRAINE Gonzales? Ibig sabihin... I-ikaw ang Ms. Campus?" biglang naitanong ni Monica. "A-ah... Ako nga iyon," nakangiti namang sagot ni Lorraine. "Wow! Ang ganda-ganda n'yo! Ngayon ko lang po kayo nakita sa malapitan. Grabe ang ganda n'yo talaga!" manghang-manghang winika ni Monica at napangiti naman si Lorraine dahil doon. "Sige po... uuna na po kami. Ihahatid pa raw po ako ni Mellard," sabi pa ni Monica. "Tara na Mellard!" pahabol pa nito sa akin. "Ayiehh! Ayos kang pumili Mellard," bulong naman ni Andrea sa akin at tila napangiti na lang ako. ANG bilis ng t***k ng puso ko nang oras na iyon. Bago kami umalis ay palihim kong tiningnan si Lorraine. Nakangiti lang siya pero hindi ko maramdaman na masaya siya. Ewan ko kung bakit. Naihatid ko agad si Monica sa room niya at nagpasala

