"WELL, well... Ang pinsan kong kagaya ko ring mainitin ang ulo kaya't binansagang Leona ng karamihan," salubong na sambit ni Nathalie Janelle sa caller. Kahit pa sabihing sa telepono lamang ay nagmistulang kaharap ang kausap. "Tsk! Tsk! Ikaw namang babae ka. Aba'y imbes na magpasalamat ka at ikaw ang naalala kong tawagan. Susme, kung ano-ano pa ang sinasabi ko," tugon din ng nasa kabilang linya na walang iba kundi si Leona. "Heh! Paano ako magpasalamat sa iyo, Leona, samantalang alam ko namang may ipapagawa ka sa akin. Aba'y kung ako sa iyo ay bilisan mo habang hindi pa nagmamaliw ang utak ko." Muli ay hagikhik niya. Idinaan lang naman niya sa tawa. Dahil may hinala na siya kung ano ang sasabihin ng pinsan na hipag. And yes! Double hipag silang magpinsan. Dahil first cousin silang dala