"LOVE ko," pukaw ni Bernard o Erick sa kasintahan. Ilang araw na rin sila sa bansang Pilipinas. Ngunit ganoon din ang routa nila. Kain, tulog at pamamasyal. Kaya naman ay naisipan niya itong tanungin ng araw na iyon. Masaya itong kasama. She has a deep sense of humour. Kahit pa sabihing iniiwasan niyang makagawa nang ikasama ng kalooban nito. "Yes, love ko?" tugon nito saka humarap ng maayos sa kaniya. "Naalala ko kasi ang mga kamag-anak mo rito sa bansa, love ko. Iyong tinawag mong Ate Rennie sa airport few days ago. You even said that their family are all here. Don't you wish to visit them, love? Ah, kako kasi baka magtampo sila sa iyo na hindi ma lang makadalaw. Samantalang nandito ka," pahayag niya. Kaso sa tinuran niyang iyon ay napanguso ito bago nagwika. "Siyempre, mayroon akon